Mga Hirang ng Bayan.

(Babala: Ang taga-sulat nito ay hindi bading. Maraming salamat.)

Image

Guy A

Image

Guy B

Base sa pisikal na katangian ng dalawang lalaki sa itaas, sino sa kanila ang pagpipilian mo?

Ipinapalagay ko na si Guy A ang unang kukunin ninyo. Paano na si Guy B? Wag naman kayo malungkot, ganyan lang talaga ang buhay; ang mas nakakaakit na tao ay ang mas makukuha ng aprobado ng  lahat. Sa ibang salita, “Survival of the Fittest” ‘yan.

Batay dito, masasabi ko na mayroong mga salitang nawawala sa bokabularyo ng Pilipino dahil  gaya ng matabang lalaki, ang mga salitang wala nang hatak o malalim na impluwensya sa paggamit sa pagsasalita ay mawawala at makakalimutan. Isa sa mga salitang malapit sa konsepto ng “Survival of the Fittest” at hindi na rin madalas nagagamit sa kasalukuyang bokabularyo ay ang Hirang.

Mapapansin mo na halos magkasing tunog sila ng Hari. Hindi ‘yan panaon dahil ang orihinal na depenisyon ng Hirang ay galing sa salitang, Herencia, ng mga Kastila na ibig sabihin ay tao na tagapagmana o puwede rin legado; ang Ingles na pagbagay ay “Heir”.

Sa konteksto ng Pilipinong Kultura, ang Hirang ay mga kapeng barako na tinutukoy na masigla at may mataas na posabilidad na mag-usbong ng malinamnam na kape. Sila ang mga tagapagtuloy ng legado ng masasarap na kapeng barako. Sa kasalukuyang panahon, nawawala na ang orihinal na depinisyon; nawawala na ang kanyang nakakaakit na salik. Mayroong ironya ‘to dahil imbis na ang Hirang ay napapanatili sa umuusbong na pagbabago, ang taga-preserba ng tradisyon at kasaysayan, siya ang nagiging antikuwado; siya ang matabang lalaking makakalimutan dahil hindi niya nakayanan ang demanda ng lipunan.

Sa papel ni Ruthmita Rozul na may pamagat, A League of Their Own: Reflections on Documenting Rare and Obsolescent Tagalog Words, nagtapos siya gamit ang linyang ito. “Without people, there are no languages, and, conversely, without languages, there are no people.” Totoo nga ito. Kailangan magsikap tayong gamitin ang mga salitang nagbibigay tunog sa ating identidad at kasaysayan. Maging Hirang tayo ng identidad ng Pilipino!

Sources:

http://slodive.com/wp-content/uploads/2012/08/fat-people-pictures/fat-guy-on-bike.jpg

http://lovinitlayouts.com/myspace-graphics/images/hot%20guys/hot-guys-Hot20File2070.jpg

http://www.dlsud.edu.ph/languagelearningcenter/llc%20journal/A%20LEAGUE%20OF%20THEIR%20OWN.pdf

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Serbisyo sa Bayan

Sa aking unang taon ng pag-aaral sa Ateneo De Manila University, maraming mga dula ang napanood ko. Mga halimbawa nito ay Sintang Dalisy, King of the Birds at Spring Awakening. Sa unang tingin, madaling akalain na masasayang lang ang aking pera at oras. Sabi nga ng aking guro sa Filipino, si Sir Edgar Samar, “Marami sa atin ang hindi gagastos ng pera at oras para sa pagbabasa o pagppapanood ng panitikan.” Panitikan tawag ko rito dahil alam naman natin lahat, sana, na isang uri ng panitikan ang dula, mas bisuwal nga lang kumpara sa kanyang pinsan, ang nobela. Sa totoo lamang, sino ba ang manggagastos para manood ng play ng dalawa hangang tatlong oras? Isa sa mga rason nga kung bakit tayo’y nanonood ay dahil kinakailangan lang para sa eskuwelahan. Sigurado ako kung mayroong tayong pagpipilian, halos lahat sa atin ang magtatambay lang sa bahay at manonood ng telebisyon. Sa bagay, lahat ng ating gusto tulad ng teleserye, movies at music videos ay nandoon. Ganyan tayo eh, lahat ng impormasyon ay sinusubo sa atin. Ang epekto nito ay tamad tayong mag-isip at mas lalo nawawala ang ating kritikal na obserbasyon sa  buhay.  Nakatatawa ito dahil halos magkaparehas ang dula at telebisyon, mas kritikal lang dapat ang pag-iisip kapag dula ang pinag-uusapan.

Sa oras ng aking panonood sa mga dula na ito, natuklasan ko na mayroon palang maliit na sulok sa mundo kung saan umaapaw, na hindi napapansin ng marami – kasama na rin tayo rito, ang mga ideya at kaisipan na itinutukoy ng komunidad na bastos at taboo. Isang balwarteng walang tigil nagpapaanak ng mga kaisipan na ito; ‘yung tipong nakadidiri sa mata ng tao dahil sa kanyang nakasusukang tema tulad ng pagboboso, disrespeto, pagmumura, pagnanakaw at marami pang iba.

Isa sa mga espesyal na eksena ay ang pagtatalik, “love-making scenes”. Sa Spring Awakening, sagana ito sa mga eksenang ganyan kung saan tinatanggal ng lalaki ang kanyang shorts at walang tigil na umaandar, na nakatalikod (siyempre; asa pa kayo), ang kanyang katawan sa babaeng karga niya na gumagalaw nang pataas at pababa. Ang daming taong inihayag ng kanilang opinyon dito; karamihan sa kanila,kasama na rin ako rito, nag-“OMG-WTF-Ang-nangyari!” Para mas epektibo ang pagpupukaw nito, ginawa nilang panghuling eksena bago ang half-time break ng dula. Parang nagbibigay sila ng mensahe, isang pangyayaring kinakailangang analisahin at nagbubukas ng bagong pinto sa ating isip tungkol sa kung ano ang puwede ilantad sa kasalukuyang panahon.

Wala akong takot na sabihin ang sanhi ng ganitong pag-iisip ay dahil sa mga limitasyon na naitatag ng komunidad at gobyerno sa ating buhay. Mayroong mga moral, mga panuntunan dapat sundan. Ang pagpapalabas ng mga ideyang laban sa mga limitasyon na naitatag ng komunidad sa ating buhay ay isang pagrerebelde. Lumalaban sila sa isang buhay na hindi talaga sa atin. Ibig ko sabihin na may “freedom of expression” ang mga manunulat at tagawa dula kumpara sa atin na wala. Ito ang kahalagaan ng panitikan, ang pagkakataon ng isang tao na ipahayag sa buong mundo ang kanyang mga opinyon at kaisipan sa kanyang diskresyon.

Sa oportunidad ng ekspresyon, oportunidad din ito ng kritisismo. Mayroong mga librong nagtanggap ng pinagtatalunan na debate. Mga librong kasali dito ay The Catcher in the Rye, The Adventures of Huckleberry Finn at ang Biblya. Oo, ang Biblya. Lahat ng mga taga-sulat ng mga librong ito ay nakadaranas ng kiritsismo, at minsan pisikal na pang-aabuso, dahil sa kanilang ginawa. Kaso, iyan ang kagandahan ng panitikan, ang opotunidad na ilahad sa lahat ang iyong gustong ipakita sa sakripisyo ng iyong buhay. Tapos akala pa natin na walang kuwenta, silbi o pagkakahirapan ang paggawa ng mga dula. Hindi lang natin alam na bawat beses nagpapalabas ang mga tao ng dula, libro, o maski anong uri ng panitikan, ang kanilang buhay at reputasyon ay nasa gilid ng panganib.

Isa pang halimbawa para makaugnay tayo ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Nagpasimula ni Jose Rizal ang isang rebulusyon para sa ating kalayaan mula sa mga Kastila sa sakripisyo ng kanyang buhay. Alam niya ‘yung mga panganib at tinaggap niya ito. Ang dalawang librong ito ay sinulat laban sa gobyerno ng Kastila dahil sa kanilang mga limitasyon initatag sa buhay ng Pilipino.

Kaya sa susunod na beses mag-imbita sa ‘yo ng iyong kaibigan na manood ng dula, mag-oo ka. Isang pagsasalamat, kahit na maliit, ito para sa mga taong nagpapalakas-loob na nagbibigay tugon sa mga taboo ng ating buhay.

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Sino ba ako?

Checklist ng modernong Pilipino :
iPhone       ×

Polo       ×

Shades   ×

Chucks   ×

Skinny Jeans    ×

Pera      ×

‘Yan ang modernong imahen ng masikat, guwapo, matino at matatag na Pilipino. Dapat mayroong itong dating, ‘yung tipong nakakahulog-ng-panty. May WOW factor na kung saanman ito lalakad, lumilingon ang mga ulo sa kanyang direksyon. Mala-artista ang pagpoporma, salamat sa numerong medya na nag-iimpluwensya sa ating impresyon na kung ano ang ideyal na imahen ng isang Pilipino. Madalas natin ito nakikita sa mga pampublikong lugar. Mga tambayan kung saan marami ang tao. Nagpapaporma ito at nagpapasikat, para lang makakuha ng pansin at puri mula sa iba. Ang epekto nito ay nakakakuha ito ng mga aproba ng iba; madalas ito ang pinupuntahan at kinakausap ng mga tao dahil sa kanyang makawing impresyon at pisikal na katangian.

Naimpluwensya na rin ako sa ganitong kombensyon. Bumibili ako ng mga damit, gadget at iba pang mga gamit na sa aking isip ay nagbibigay ng WOW factor na nakikita ko sa ganitong klase na bagay. Nagpapaayos na rin ako ng buhok, minsan nga pinapakita ko sa hairstylist ang larawan ng isang artista at pinapagawa ko ang aking buhok gaya ng kanyang hairstyle. Noong mga unang araw, ang saya-saya ko. Nalulugod dahil parte ako sa anong uso sa panahon na ito. Napapansin ko na mas maraming tao ang nakikipag-usap sa akin, mas maraming tao ang pumapansin sa akin at ang pinakaimportante, mas maraming tao ang aproba sa akin. Nahigop ako sa mundong ito, puwede ‘kong tawagin isang gumumon. Pagkatapos ng ilang buwan, bumago na ang aking pakiramdam tungkol dito. May nawawala sa akin. Masaya naman ako dahil parte ako ng grupong ito. Mayroon naman akong kaibigan, pero incompleto pa rin.

 

Tinanong ko ang sarili ko, “Sino ba talaga ako? Maporma, marami namang gadget at may pera … pero ano ba talaga?”

Blanko.

 

Sa pangyayaring ‘yan, nakita ko ang masasamang kalalabsan ng pangongopya at pagiging plastik sa aking buhay. Nawala ang aking identidad. Ang mga damit, ang mga gadget at iba pa; sila ang naging depinisyon ng aking buhay. Kinain nila ang aking identidad at ninakaw ang kanyang puwesto. Kung ganito na kalalim ang aking problema bilang isang tao lang, paano na kung ang aking komunidad, lipunan at bansa ay maiimpluwensya na rin?

Hindi natin napapansin ito pero nangangakop ulit tayo, kahit hindi pisikal na pangangakop, ito ay isang napakaimbing na proseso. Marami ng dayuhan ang pumupunta rito sa Pilipinas. Dala-dala ang kanilang mga ideya, konsepto at indentidad. Pinapayagan natin silang kainin at kunin ang ating identidad at nakikita ito sa lahat ng aspekto ng ating mga buhay. Ang ating kinakain, binibili, pinupuntahan at tinatambayan. Ang mga ideyal na lalaki na nabanggit ko kanina na nakikita natin sa mga pampublikong lugar, sila ang pinakamainam na halimbawa sa pagsasakop na ito. Sa kasamaang-palad, kasali rin ako rito. Kami ang mga nagsisimula ng pagwawala ng identidad ng pagiging totoong Pilipino. Hinahambungan namin ang identidad ng iba at sa prosesong ito, napapalit na rin ang isip ng mga taong humahanga nito. Parang isang niyebeng binilo ang napakaimbing na proseso. Dagdag ng dagdag ng tao hanggang ang buong bansa na ang naapekto.

 

 

Para maresolba natin ang problemang ito, dapat balikan natin ang ating tradisyunal na kasaysayan. Diyan natin matatagpuan kung ano talaga ang depinisyon ng pagiging isang totoong Pilipino. Ang sipi mula kay Chuck Palahniuk ay nagbibigay ilaw dito, “You are not your job, you’re not how much money you have in the bank. You are not the car you drive. You’re not the contents of your wallet. You are not your fucking khakis. You are all singing, all dancing crap of the world.” Totoo ito, tae tayo dahil pinayagan natin mawala ang ating identidad bilang Pilipino. Sa baba ay ang bagong bersyon ng Checklist.

Revised Checklist ng modernong Pilipino :
Walis Tingting                                          ×

 Balot  (3 pieces) and Chicharon                  ×

 Krus at Biblya                                         ×

Tsinelas                                                   ×

Panyo                                                     ×

Estatwa ng Birheng Maria                          ×

Sa Checklist na ‘yan, nakikita natin na simpleng tao lang ang Pilipino. Nagdadasal siya araw-araw at inaalay sa Diyos ang lahat ng kanyang mga gawain. Mahilig siya sa mga maliliit at malaman-laman na pagkain gaya ng balot at chicharon. Parati pang handa kung pinapawisan at hindi rin nahihiyang maglinis kung may dumi. Handang-handa siya, simple at maka-Diyos kailanman. Wala kahit ‘ni isang ebidensya ng maporma at magastos na Pilipino nabanggit kanina.

Ako mismo ay sumisikap maging simple na Pilipino. Naiintindihan ko na kung gusto natin magkaroon ng respeto para sa ating bansa at pagiging isang Pilipino, kailangan muna natin irespeto ang ating pinagmulan. Tradisyunal ang dapat nating sikapin ipagmalaki para malaman ng mundo kung bakit tayo ay nandito pa rin kahit ang daming dayuhan naghirap at nabigo sa pagsakop ng ating bansa at ang ating identidad.

Mabuhay ang Pilipino!

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Ipis!

Ano ba talaga ang ipis?

Alam naman natin na ang madalas na kumbensyon ng bayan ay dapat ito’y katakutan, iwasan kung puwede at kung hindi, patayin. Sa mga alaala ko, bawat beses akong napapadpad sa tambayan ng mga ipis, ako at ang aking mga kaibigan ay nagtatakbuhan sa kabilang direksyon. Kadiri sila. Walang kapangyarihang mabuhay saanman parte ng ating mundo. 

 

Kaninang umaga, napansin ko na umiiwas ang mga tao sa kaliwang bahagi ng hagdan sa pasukan ng aking dorm. Lumapit ako at may isang ipis. Tumabi ako sa hagdan at nanood sa iba’t ibang reaksyon ng mga tao. May mga babaeng sumigaw ng “Yuck! Ipis!” tsaka mayroon ding lalaking tumawa at ngumiti. Ilang minuto lumipas, mayroong janitor na umapak sa ipis gamit ng kanyang berdeng tsinelas at winalisan ang nadurog na katawan ng ipis. Tinapon lang sa basurahan na parang walang kwenta, tama nga lang, pero dahil sa umagang iyan, nagbago na ang aking opinyon sa mga ipis.

 

Masasabi ko na may mahalagang kontribusyon pala at mahalagang aral puwede ibahagi ang mga ipis sa ating buhay; mas mahalaga pa kaysa sa mga inaaral natin sa eskuwelahan!

 

Mayroong tatlong uri ng tao nasuri ko sa umagang ‘yan:

1,) Ang pinakauna at ang pinakasimpleng uri ng tao ay ang mismong pumapatay sa ipis, si manong janitor. Hindi naman sa isip na bobo siya o walang silbi sa lipunan pero ang pumapatay sa ipis ay ang taong nakadaranas na ng mga hirap at nakakita ng ang pangit na aspekto ng buhay. Kaya kaya niya umapak sa ipis, naranasan na niya at hindi natatakot sa kadumihan ng lipunan. Simple siya, “Down-to-Earth” ang kanyang dating kung saan tinatanggap na ang buhay ay hindi lagi malinis at maganda. 

 

2.) Ang pangalawang uri naman ay ang babaeng sumigaw. Mas mahirap intindihan ang uring ito dahil sa maraming dahilan. ‘D gaya ni manong janitor, ang kanyang buhay ay nakatakip at ligtas mula sa kahirapan at dumi ng buhay, Nakikita ko nga sa kanyang mga suot: Shades na Rayban, Skirt at Shirt na Forever 21, heels galing sa Prada at napakabonggang hairstyle, na hindi siya madalas lumalabas mula sa mga kwartong may aircon na nagtutugtog ng musika ni Justin Bieber. ‘Yan ang dahilan kung bakit hindi niya kaya tumingin, mas lalo na apakin, ang ipis dahil hindi siya sanay sa ganyang karanasan. Siguro mayroon siyang yaya (Uri #1) na nagpapatay ng ipis para sa kanya.

 

3.) Ang pinal na uri kung saan ako ay nakasali ay ang mga neutral sa isyu na ito. Sila ang mga “bystander” na tumatawa lang o tumitingin na walang reaksyon tulad ng lalaki na tumawa sa babae at ako na nanood sa tabi ng hagdan. Kami ang nasa gitna ng kalinisan at kadumihan. Alam natin ang kagandahan ng buhay at alam din nating ang kanyang mga pangit na aspekto. Problema nga lang, hindi natin alam kung tatanggapin natin ito o tatalikod. 

 

Kaya sa sususnod na beses makakita tayo ng ipis, tanungin ninyo ang sarili, tatanggapin ko ba ang kadumihan ng buhay o tatakbo ba ako palayo habang-buhay?

 

Posted in Uncategorized | Leave a comment

Pagsupil

Mailaw ang k’warto.

Iba’t ibang kulay, nagbibigay liwanag na

Lumalaban sa dilim ng gabi.

 

Mga musikang pambata ay nagtutugtog.

Sa gilid ng mga pader, mayroong nakadikit na

Larawan, lahat ng tao’y ngumingiti

Pati na rin Siya.

 

Sa mesa’y nakalatag ang

Pintura at Masks,

Katabi lang ng Kanyang mga damit para sa pantulog at panlabas.

 

Sa ibabaw nito: Salamin

Malinis at wala kahit ‘ni isang patak ng dumi

Parang bagong labas mula sa tindahan.

 

*Beep* *Beep* *Beep*

Oras na ng trabaho o kaya “kaligayahan”

Pero bago ‘yan

Tinapon Niya muna ang

 

Singsing.

Posted in Uncategorized | Leave a comment

An exercise in moral reasoning

SUICIDE

A. 1.) The action that has personal relevance to me is that of Suicide. For me, I would consider this action as wrong because this is the taking of one’s own life and this can be viewed as a personal murder. As accepted by society, this is wrong to take someone’s life, what more our own? This basis for my claim is that of the government/authority and religion. As previously stated, it is wrong to take a life, and taking one’s own is also related to that plus religion also states that suicide is a direct route to hell given that you take away what God has given to you as a gift.

 

2.) Basically, this action if put into context on the three criteria, namely: Knowledge, Freedom and Willingness, it is considered sinful since the person has the willingness, the knowledge and freedom to choose to kill him/herself. However if a situation puts this person at a circumstance wherein these one or more than one of these three is not filled in, it is not to be considered sinful. Take for example if the individual is forced to kill him/herself for the safety of their family, it immediately takes out the Freedom and Willingness categories. This person is forced, hence has no choice but to do this in order to save his/her family who is totally innocent in this context.

 

3.) I would believe myself to be a moral Rationalist since I use reason and religion to help me see the best course of action in a moral dilemma such as this.

B. 1.) Let us say the person’s name is Bobby.

“Bobby, I understand your situation since I too was at that point wherein I could not determine the right course of action for something as blurry as this moral dilemma. If I were to look at it in the perspective most people would view it, I would reason out that killing yourself would be very wrong. This is the general situation since there are various ways one could help oneself such as through counseling. There is however one factor most people leave out, that is the situational context the certain individual finds him/herself in. If that context puts the person in a position to either take their own life or spare it, then I would have to say that yes, it is bad to take one’s life but if it puts the certain individual at a context wherein they have to since there is no other solution, then it is not bad to take one’s life. For those who would tend to doubt this, then I leave with one final explanation. If we are not sure as to the correct answer on whether this is right or wrong, this means that we are in a state of confusion. Now, it is wise to stay and be safe since we do not know what we are delving into. Given this, if you are unsure of what to believe in, it is best to consider the action that will do the least harm to you and those around you, in the context of Suicide, it is to not kill yourself. Now I am assuming this is where you stand, so to be safe, consider suicide as a wrong behavior and try to convince others as well.”

Posted in Uncategorized | Leave a comment

GMOs Chem Blog

Genetically Modified Organisms (In terms of food) at first glance, sounds like a dangerous and unsafe food source. First of all, it is modified genetically which suggests that it is not natural and may have severe side effects on whoever ingests it.

 

When I gave it more thought, I realized that these foods were modified for us, the people. It has been tailor made for our needs to help us get the right nutrients in the quickest way possible. We will be able to counter any sicknesses or allergies through the use of foods that are made to help give us the nutrients necessary for this.

 

Given this, I believe that GMOs are safe for humans to consume and since it is genetically modified for us, it will be beneficial for our bodies. Hopefully GMOs will be made internationally available by countries who are pooling in money on this branch of science. Who knows, we may be able to produce the ‘Perfect Human’ as well.

Posted in Uncategorized | Leave a comment